If anyone of you know a covid survivor willing to help someone on the edge of a covid death, here is a message fro this very sick doktora now intubated, prone in PGH:
Forwarded message.
Our sister, Karen, has the Gift of Healing. Napakahilig po ng Ate ko (Kathlynne Anne Abat-Senen) sa mga bata which is why she chose to be a Neonatal Pediatrician. Every Saturday, sa dinner table at our eldest sister's house, ang dami niyang stories about her experiences, pero ang laging theme ng stories ay kung paano niya ipinaglalabang MABUHAY ang bawat pasyente niya. Para sa kanya, siya ay isa lamang Instrument ng Panginoon, at ang bawat sanggol na ipinagkatiwala sa kanya ay mga pagpapa-alala ng pagmamahal sa atin ng Diyos, pagkat bawat bata ay Blessing. Kahit gaano ka-kritikal ang lagay ng isang bata o sanggol, pag si Dra. Senen ang may hawak niyan, siguradong nasa mabuting kamay ang buhay ng bata na iyan. Bilang professor sa UP College of Medicine, hindi din siya naging madamot na mentor sa mga nagnanais tumugon sa vocation ng medisina. Kahit sa gitna ng hapunan, tanghalian, basta nag-ring ang phone niya, lagi niya itong sasagutin. She is that dedicated to her profession, her vocation.
Kaya kahit pa man pumutok ang pandemya na ito, tuloy pa din sa pagtingin sa pasyente ang aking Ate. Sabi niya, "Kung hindi tayo, sino?" Tandang-tanda ko ang linya na niya yan. "Matapang, Matalino, Walang Takot Kahit Kanino". Yan ang Ate ko. Sabi nga ni Lean, "In the line of fire is the place of honor."
Ngayon, siya po ay nasa ICU dahil sa COVID 19, nakikipaglaban para mabuhay, nakikipaglaban para sa kanyang asawa at dalawang anak. She is in desperate need of O+ Plasma from COVID-19 survivors to help her live. If you know any willing donors, please have them contact Dra. Sandy Maganito of UP PGH at 0917 805 3207 and indicate that its for Dra. Karen Abat-Senen. You can also help by spreading this call for donors by sharing this post. Marami pong Salamat sa lahat ng Dasal.
No comments:
Post a Comment