Tuesday, January 8, 2008

Mar Roxas bats to remove VAT on Oil

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZBB
On the Palace's nixing of SB 1962, seeking to suspend the VAT on oil

Q: Ang ginawa ng gobyerno ay 1% reduction sa tariff para maibsan ang kahirapan ng mga tao. Mukhang hindi nila gusto ipatupad ang VAT suspension sa oil.

MAR: Kulang-kulang itong 1% pagbaba ng taripa. Ang epekto siguro nito, mga singkwenta sentimos o kulang pa dito sa bawat litro. Kapag tinanggal ang VAT sa produktong petrolyo, sa bawat litro ng diesel, mahigit sa P4 ang mababalik kay Juan de la Cruz. Kaya kulang na kulang itong 1%, at palagay ko hindi ito sapat para matulungan ang ating transport sector.

Q: Marami daw masasakripisyo pag tinanggal yung RVAT, P52 billion daw.

MAR: Palagay ko, ayaw talaga nila kaya dinadahilan nila. Hindi nila nauunawaan na kapag natanggal yung VAT sa produktong petrolyo, hindi naman mawawala sa gobyerno ito. Bakit? Gagastusin din naman ni Juan de la Cruz ito. Sa kanilang paggastos, makokolekta muli yung VAT. Halimbawa, sa isang tangke ng LPG na 11 kilos, kapag walang VAT ito, ang savings ni Misis mga P65. Yung P65 na iyon, gagastusin din sa pagpunta niya sa SM, Robinsons, sa Jollibee. Pag bili niya muli ng ibang mga pangangailangan para sa pang araw-araw na pamumuhay, makokolekta muli ng gobyerno yung VAT dito. Sa bawat consumption ng ating kababayan, makokolekta muli ng gobyerno ito.

Kaya itong 1% tariff cut na ito, pakitang tao lang ito, parang tokenism lang ito. Palagay ko kulang na kulang. Talagang kulang na kulang ito. At yung sinasabi ng gobyerno na walang magagawa ang gobyerno, ay talagang nire-reject ko iyan. May magagawa ang gobyerno.

Kung talagang serious ang gobyerno, kung talagang gustong makatulong, tanggalin ninyo ang VAT sa produktong petrolyo.

Q: Meron naman daw na oil summit, at doon tutugunan o hahanapan ng solusyon ang problemang ito. What do you think of the energy summit?

MAR: Okey lang din iyan, basta hindi mauwi sa daldalan. Ang mga summit-summit na ito, baka pakitang tao lang ito para parang may ginawa pero wala naman. Itong 1% cut sa tariffs ay talagang walang epekto ito.

Naaalala ko, noong nasa DTI ako, nasa P15 ang bawat litro. ngayon nasa P38 na, talagang mahigit sa doble. Noong ipinataw itong VAT na ito, ang presyo, ang singil sa bawat bariles ng langis ay $30 per barrel. Ngayon, $100 per barrel.

Kaya yung solusyon na VAT sa fiscal crisis ay hindi na nararapat sa ngayon. Una, wala nang fiscal crisis. Pangalawa, yung krudo, imbes na $30 per barrel, ngayon $100 per barrel na. Hindi na tama na ipagpapatuloy ang pagpataw ng VAT sa produktong petrolyo.

Q: Is it within the powers of the executive, considering na batas ang nagpapataw ng tax sa produktong petrolyo ngayon? Baka kinakailangang kumilos na ang Senado at ang House of representatives para matanggal na itong probisyon na ito sa batas?

MAR: Tama ka doon, talagang pag-amiyenda sa batas ang kinakailangan dito. At ang hinihingi natin sa ehekutibo ay gamitin niya yung kanyang kamay na bakal, imbes na kontra sa mga journalist, kontra sa mga leftist, sa mga aktibista, imbes na sa chacha, gamitin niya ang kanyang impluweniya sa mga partido sa Kongreso na isulong ito.

Sa Senado, ito'y ni-file na natin at patuloy ang pag-uusap dito. Sa House of Representatives naman, kinakailangan ang pahiwatig ng Malacañang na susuportahan niya ito.

Q: Pwede bang gumawa ng paraan yung executive, na siyang mag-suspend?

MAR: Hindi pwede, amyenda talaga sa batas ito.

Panghuli lang, ano. Dapat hindi ipagdamot ng Malacañang itong VAT na ito. Bakit? Pera natin ito. Hindi nila pera ito. At kung ginagastos lang naman nila ang ating pera sa mga bagay na hindi naman natin nararamdaman, mas mabuti na tayong gumastos ng ating pera. Ibalik ng gobyerno sa ating bulsa ang ating pera, at sa ganoong paraan, tayo ang gagastos sa ating mga pangangailangan, tayo rin ang makakapagtustos sa ating mga pangangailangan.

No comments:

Post a Comment